Pag-ibig
Tulad ng perspektiba ng mga magkasamang dalhin ang relasyon sa mas mataas na antas, ibang antas din ang pakikipagrelasyon ng isa sa mas malawak na mamamayan. Isa man o dalawa, mas mahalaga ang malasakit sa kapwa.
Tinaguriang “hell week” ngayon sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD), pati na sa iba pang unibersidad na may halos kaparehong kalendaryong pang-akademiko. Sa unang dalawang linggo ng Enero 2024, abala ang maraming estudyante sa pagkuha ng pinal na eksaminasyon at pagpasa ng mga kahingian sa kurso (course requirements). Lahat ng pinaghirapan, pinagpuyatan at iniyakan, siyempre’y may katapat na grado.
Para labanan ang pagkalat ng kasinungalingan, kailangang isulong ang sistematikong paglalahad ng katotohanan. Dito pumapasok ang tinatawag na fact-checking. Ipinapaliwanag sa simpleng salita kung bakit kasinungalingan ang kasinungalingan at kung bakit katotohanan ang katotohanan.
Kaya mo iyan. Mahal na mahal ka nina Nanay, Tatay, Ate, Kuya at iba pang kasama mo sa bahay. Sa paglaki mo, magiging mas marami pa ang kasama mo. Sama-sama kayong mag-aral.
Huwag sanang isiping ito’y sanaysay ng pagrereklamo. Kailangan lang isakonteksto ang mga bagay na kailangang isakripisyo dahil sa pagkalunod sa mga trabaho’t gawain. Limitado ang oras para pagkasyahin ang mga responsibilidad na dapat gampanan. May dapat gawing prayoridad, may dapat ipagpaliban muna. Anuman ang maging desisyon, walang dapat talikuran dahil lahat sila’y mahalaga.
Sa gitna ng pandemya, inaasahan ang ligtas na pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang eskuwelahan. Bukod sa silid-aralan, makakapasok na rin sila sa silid-aklatan. Paano mapapaunlad ang kanilang kaisipan kung ang mga libro doon ay pinapakialaman ng gobyerno? Bakit kailangang ipagbawal ang mga diumanong subersibo?
Bagama’t pareho silang binigyan ng oras para magbigay ng presentasyon, isa lang po sa kanila ang may malinaw na haraya (vision) at may malalim na pag-intindi sa pangangailangan ng mga estudyante, guro, kawani, residente, alumni at iba pang sektor ng kampus.
Sa isang sitwasyong patuloy na pinapaslang ang mga peryodista at manggagawa sa midya at kinokompromiso ang kalayaan sa pamamahayag, ano pa ba ang puwedeng gawin ng mga ordinaryong taong katulad natin para mabago ang kasalukuang kalakaran? Malinaw na kailangan ang mahigpit na pakikipagkaisa sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Pero sa panahon ng panlipunang krisis na basta-basta na lang kinikitil ang buhay, at basta-basta na lang ibinebenta ng mismong Pangulo ang soberanya ng bansa, ano pa ang puwedeng gawin ng Panday Sining? Inaasahan ba itong tumalima sa burukrasya sa sitwasyong ang mismong burukrasya ang problema?
Isa ka ba sa mga tinaguriang Duterte Diehard Supporter (DDS)? May dalawang tanong lang po ako sa puntong ito: Taga-Mindanao ka ba? Apektado ka ba ng lindol? Para sa iyo ito kung ang sagot mo ay oo. Pero kung hindi, sana nama’y bigyan mo rin ako ng kaunting minuto....
Isang kalakasan ng pelikula ang pagsasakonteksto ng personal na pinagdaanan ng pangunahing karakter. Pero malaking kahinaan para sa akin ang pagkakahon ng indibidwal bilang dapat na hiwalay sa isang malawakang pagkilos.
Kung sinusubaybayan mo ang balita, alam mong humihingi ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa gobyerno ng humigit-kumulang P430 milyon. Dahil sa napakalaking halaga nito, alam ko na ang nasa isip mo: “Kaninong bulsa na naman kaya ang tataba dahil dito?”
Sa gitna ng namuong galit sa maraming tao (malamang kasama ka rito), may dalawang bagay na baka nakaligtaan: (1) Nangyari ang GC hindi kamakailan lang kundi ilang taon na ang nakalipas; at (2) Bago ikinalat ang GC sa social media, matingkad ang usapin ng hazing hindi sa UP kundi sa Philippine Military Academy (PMA). Kaya may dalawang pundamental na tanong sa puntong ito: (1) Kung ang GC ay nangyari noon pa, posible kayang nagbago na ang dating hindi katanggap-tanggap na perspektiba ng mga sangkot sa isyu? (2) Sa kasalukuyan, sino ang makikinabang kung ang pampublikong atensyon sa isyu ng hazing ay mapupunta hindi sa PMA kundi sa UP?
Sang-ayon ako sa suhestyong hayaan ang mga opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga miyembro ng Gabinete, na gumamit ng pampublikong transportasyon sa pagpasok sa trabaho. Mainam na maranasan nila ang makipagsiksikan, makipagbalyahan at makipagtulakan para lang makasakay. At kung sakaling may pila sa terminal, sana nama’y maarawan o maulanan din sila sa paghihintay sa susunod na traysikel o dyip.
Tunay na may batayan ang kolektibong galit na dapat na nararamdaman ng mga mamamayan. Pero pinipilit ng mga nasa kapangyarihan na huwag gunitain ang nakaraan sa makatotohanang paraan. Una, mahalagang alyado ng mga Duterte ang mga Marcos. Ikalawa, pinipilit sikilin ang kultura ng aktibismo ng kabataan. Ikatlo, binabago ang interpretasyon ng kasaysayan sa kabila ng hindi maipagkakailang datos, partikular ang pagpapalayas sa mga Marcos sa Malakanyang sa pamamagitan ng pag-aalsa ng mga mamamayan noong 1986.
Kung hindi kilala ng mga artistang ito sina Karen, Sherlyn at Raymond, siguro’y napapanahon nang magsaliksik at magsuri. Marahil doon lang nila mapapagtantong tulad ng mga may-ari ng studio at produktong ineendorso nila, sila ay nagagamit din ng AFP, partikular ng ARESCOM, para maging katanggap-tanggap ang gawain ng mga berdugong magnanakaw na, mamamatay-tao pa.
Magkaugnay ang tila magkahiwalay na mga pahayag na ito sa tatlong dahilan: Una, ang kasalukuyang senador ay dati ring hepe ng PNP. Ikalawa, ang kasalukuyang hepe ng PNP ay matagal nang pinag-iinitan ang ilang unibersidad dahil sa aktibismo ng mga estudyante nito. Ikatlo, pareho silang mag-isip dahil sa limitadong bokabularyo: Para sa kanila, ang aktibista at komunista ay iisa.
Kung sakaling pinili niya ang buhay-aktibista, ito ay dahil pinili niyang maging solusyon sa problema. Ang inyong pansariling konsepto ng magandang kinabukasan, ginawa niyang pangmalawakang pagkilos para sa makatarungang kaayusan.
Ang patuloy na pagpapayaman at pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga kapitalista ay nangyayari sa patuloy na pagpapahirap at pagpapahina ng mga manggagawa. Ang tanong sa puntong ito: Nagtatagumpay kaya sila? Hindi po.
Pansinin ang sunud-sunod na welga sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Iisa ang mga panawagan, iba-iba lang ang pangalan ng mga opisina’t pagawaan. Iisa rin ang solusyon ng kapitalista’t pamahalaan, iba-iba nga lang ang porma: Karahasan.
A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.