Konteksto | Liham
Para sa ating dalawa, susing salik sa mas malakas na pagsasama ang pagkakaroon ng isang anak. Sinisikap nating palakihin siya nang matino, gamit ang dangal at husay hindi lang mula sa libro kundi mula sa nakakasalamuha niya.
Para sa ating dalawa, susing salik sa mas malakas na pagsasama ang pagkakaroon ng isang anak. Sinisikap nating palakihin siya nang matino, gamit ang dangal at husay hindi lang mula sa libro kundi mula sa nakakasalamuha niya.
Napanood mo ba ang viral na bidyo? Sige, panoorin mo pang muli. Sana nama’y higit pa sa 42 segundo ang pagninilay-nilay sa konteksto ng mga pangunahing karakter. Huwag din sanang mabilis na maghusga, lalo na sa ginawa ng guwardiya.
Walang problema kung nais paniwalaan ang kasabihang “Habang may buhay, may pag-asa” pero mas mainam na isakonteksto ito sa mahigpit na pagkakaisa ng mas malawak na mamamayan.
Bagama’t nangangakong hindi palalayasin ang mga manininda, nakapagtatakang mas binibigyan ng prayoridad sa espasyo ng kampus ang mga “taga-labas” sa halip na ‘yong mga bahagi ng komunidad.
Ang inakala kong election-related violence na away ng dalawang politikal na angkan, may nadamay palang mga peryodista’t manggagawa sa midya. Ang inakala kong posibleng mabilang sa daliri ang mga pinatay na kasama sa trabaho, napakarami pala.
Sa ngalan ng bilyon-bilyong kita, nagiging manhid na ang mga mayaman at makapangyarihan sa hinaing ng mga nasalanta.
Kasama ka ba sa halos 70 milyong Pilipinong boboto sa Mayo 12, 2025? Sinubaybayan mo ba ang pagsusumite ng mga nagnanais kumandidato sa mahigit 18,000 posisyon sa pambansa’t lokal na antas? At sa iyong pagbabasa, pakikinig o panonood mula Oktubre 1 hanggang 8, ilang beses ka bang nahulog sa upuan? Hanggang ngayon, nakataas pa rin ba ang kilay mo?
Batay sa personal na obserbasyon, tuluyan na nitong tinalikuran ang sosyalismo noong panahon ni Mao Zedong. Nagwagi ang rebolusyon ng mga manggagawa’t magsasaka noong 1949 pero nagkaroon ng unti-unting restorasyon ng mga globalistang patakaran sa kanyang pagpanaw noong 1976.
Sa okasyon ng aking ika-56 na taon sa mundong ibabaw, patuloy ang malalim na pag-alala at pagpapaalala lalo na sa kabataan. Panatilihing nasa tamang bahagi ng kasaysayan.
Batikusin ang hindi katanggap-tanggap at huwag palampasin ang aroganteng pag-uugali ng mga dapat na nagsisilbi sa mamamayan. Habang patuloy nilang pinagkakaitan at pinahihirapan ang marami, kunin ang lahat ng pagkakataon para sila’y birahin at singilin, kahit nangangahulugan ito ng pagkawala ng kanilang pagkatao. Anong klaseng tao ba naman kasi ang puro kahayupan ang nasa katawan?
Mula “paglingkuran ang sambayanan” papuntang paglingkuran ang AFP. Ano na nga ba ang nangyayari sa tinaguriang pambansang unibersidad? Mainam na tanungin ang mga opisyal na payaso, kung kaya pa nilang sumagot nang hindi humihingi ng permiso sa mga berdugong may baril.
Para sa mga katulad kong may edad na, may isang pundamental na katotohanan: Wala nang masyadong motibasyon para magtapos sa gradwadong antas. Matagal na kasing nasa akin ang ilang inaasahang nakamit na ng akademikong may nakakabit na PhD sa kanilang pangalan—kawaksing propesor (na ranggong senior sa akademya) nang isang dekada na; patnugot ng internasyonal na pang-akademikong dyornal na may reputasyon naman; awtor ng mga artikulo’t libro sa wikang Ingles at Filipino na dumaan sa prosesong peer review. May iba pang puwedeng banggitin pero hindi ito okasyon ng pagyayabang. Ito ay paglilinaw ng politikal na konteksto.
Bini o BINI? Bloom o BL&infi;M? May letrang “s” ba dapat sa dulo ng Bloom/BL&infi;M kung tinutukoy ang napakaraming tagahanga? Ano-ano ang mga akmang salita sa panahon ng kasikatan ng walong binibini? Kailangan ba talagang may salitang “Bini” bago ang mga pangalang Aiah, Colet, Gwen, Maloi, Jhoanna, Mikha, Sheena at Stacey? Sige na nga. Baka ito ang patakaran sa tinaguriang BINIverse!
Hindi porke’t wala na sa posisyon ay oposisyon na. Hindi maikakahon ang mga indibidwal at grupong kritikal sa administrasyon o gobyerno. May mga kritikong itinataguyod ang kapakanan ng mga naghihirap. May mga kritikong itinataguyod lang ang sarili habang ang mga naghihirap ay lalo pang pinahihirapan.
Sa kabila ng karanasang multimedia, sana’y huwag pa ring kalimutan ang kahalagahan ng pagbabasa. At dahil limitado o halos walang oportunidad para makahawak man lang ng libro, patuloy na singilin ang gobyerno sa mga pagkukulang nito sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa.
Pagtuturo, pananaliksik at gawaing ekstensiyon—tatlong pangunahing gawain ng isang guro. Mabigat na responsibilidad sa gitna ng mataas na inaasahan. Maraming ginagampanan kahit ramdam ang kapaguran. Ano na nga ang ibig sabihin ng “Prof.”? Professionally exhausted?
Nakakailang palit ka ba ng damit mula umaga hanggang hapon? Hindi lang ba isa kundi tatlong bentilador ang ginagamit para hindi masyadong pawisan? Pagkatapos mag-almusal o mananghalian, kinukuha na ba ang tuwalya bago pumunta sa banyo? Pangalawa o pangatlong beses mo na bang maligo sa araw na ito?
Tatlumpu’t walong taon matapos ang “People Power” (pati na ang pagtatapos ng aming Batch 1986 noong high school), nakatago pa ang mga medalya at sariwa pa ang alaala ng pakikibaka. Pinakamalaking karangalan ang mamulat sa katotohanan ng karanasan, pati na ang pagsisimula ng pagsisilbi sa bayan. Kumpara sa mga medalya, hinding-hindi ito kukupas.
A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.