a
POSTS FOR "Baliksaysay"
Baliksaysay | Sina Chad at Rizal sa Mindanao

Baliksaysay | Sina Chad at Rizal sa Mindanao

Gaya ni Rizal na nagsanay sa agham ng medisina, matapos ang kurso sa Computer Science at palagiang nakikilala sa kanyang katalinuhan mula pa ng pagkabata. Gaya ni Rizal, nakita ni Chad na higit na malawakan ang kaalamang maiaambag sa mga katutubo – pagbasa, pagsulat, pagkilala sa kalikasan, paglalapat ng mga konsepto sa aktwal na produksyong agrikultural at paglinang ng kapaligiran.

Bagyo, baha at diktadura

Bagyo, baha at diktadura

Malawakan man ang pananalanta ng bagyo at pagbaha ng 1972, at ginawa man itong pamamaraan para sa konsolidasyon ng diktadura at katiwalian sa pamahalaan, makikita ring malaki ang ambag ng baha ng 1972 sa pagmomobilisa at pagmumulat sa mga mamamayan. Ang malawakang pagbaha ang nagbigay-daan upang mapasangkot ang maraming mga mamamayan sa pagbibigay ayuda dahil napagtanto nilang kulang o walang ginagawa ang pamahalaan upang maibsan ang pagdurusa ng marami.

Target: Obispo Ramento

Target: Obispo Ramento

Ilang mga Alberto Ramento na ang pinaslang ng mga iba't ibang rehimen hanggang kasalukuyan kaugnay ng di matapos na red tagging, panggigipit at karahasan ng mga nasa kapangyarihan. Hanggang sa kasalukuyan, pinagbabantaan pa rin ang mga taong simbahan na kumakalinga sa karapatang pantao, sa nagsusulong ng makatarungang kapayapaan, at pambansang kararinlan sa kapuluan.

Si Gregorio Aglipay, at ang pagtutol sa base militar ng Amerika sa Pilipinas

Si Gregorio Aglipay, at ang pagtutol sa base militar ng Amerika sa Pilipinas

Sa panahong nasa ilalim pa rin ang bayan sa mga di pantay na kasunduan gaya ng Visiting Forces Agreement, ng Mutual Defense Treaty, at iba pang di pantay na tratado; sa panahong pinalalaya pa rin ang mga Amerikanong militar gaya ni Pemberto na pumatay sa kababayang gaya ni Jennifer Laude, makabuluhan pa ring balikan ang mga tinuran ng mga gaya ni Gregorio Aglipay sa pagpapakahulugan sa tunay na kasarinlan.

Ang alaala ng mga Rosa Henson

Ang alaala ng mga Rosa Henson

Sa halip na kilalanin bilang opisyal na ginawa ng pamahalaan noong digmaan at humingi ng tawad sa pang-aabuso, ang ginawa ng mga Hapon ay magtatag ng AWF o Asian Women’s Fund na isang pribadong pondo para sa pantulong sa mga comfort women. Marami pang kakulangan sa pagkilala sa mga naranasan ng mga comfort women. Binubura ang kanilang mga alaala sa bawat mga opisyal na pagtanggi ng kanilang pag-iral. Maraming bayan, lalo na sa Hapon, ang hindi nakapaloob ang karanasan ng mga comfort women bilang bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan.

Ang iba’t ibang Hulyo kwatro

Ang iba’t ibang Hulyo kwatro

Sa halip na kalayaan, itinali ng mga kasunduan ang Pilipinas sa kalagayan ng pagiging palaasa at laging nakasandig sa Amerika. Sa larangan ng kabuhayan, sa kamay pa rin ng mga Amerikano ang kontrol sa kabuhayan at ekonomiya. Sa usapin naman ng depensa at militar, itinatayang nabansot ang kakanyahan ng kapuluang magpaunlad ng sariling kakanyahang pangdepensa dahil sa pagpapatuloy ng pagkakataling pangseguridad ng Pilipinas sa Amerika.

Republikang Basahan

Republikang Basahan

Sa panahong maramihan pa rin ang nakararanas ng malawakang kakulangan sa pinakabatayang pangangailangan ng pag-iral ng tao bilang tao – pagkain, damit, tirahan, kalusugan, edukasyon – nananatiling mahalaga na palalimin ang kahulugan ng kalayaan. Sa panahong maraming pagbabanta sa unibersal nang kinikilala bilang karapatan ng lahat ng tao – makapagpahayag nang malaya, mamuhay nang walang takot, makapagtipon nang hindi sinusukol – nananatiling may saysay ang pagtalakay sa kahulugan ng kalayaan.

Maysakit sa Bilibid

Maysakit sa Bilibid

Pinakita sa kasaysayan ang trahedyang idinudulot ng krisis pangkalusugan sa mga pinakabulnerableng mga mamamayang nahahayag sa pagkakasakit kung walang pagpapahalaga ang lipunan sa kanilang kapakanan.

Ang epidemya at ang mga filibustero

Ang epidemya at ang mga filibustero

Subalit sa halip na maging bukas sa pagpapahayag sa aktwal na kalagayan ng bayan sa usaping pangkalusugan, binansagan pa ng mga nasa pamahalaan ang mga naglalathala ng katotohanan bilang mga filibustero at kalaban ng bayan. Hindi naging bukas sa paggamit ng mga siyentipikong pag-aaral, ginamit lamang ng mga nasa pamahalaan ang mga hakbanging despotiko at absolustimo nang hindi tumatanggap at sarado sa ibang ideya.

Gutom at sakit

Gutom at sakit

Pinagbawalan ang mga tao ng pamayanan na lumabas sa kani-kanilang mga tahanan. Babarilin kaagad nang walang anumang katanungan ang sinumang makikitang gumagala-gala sa labas ng pinapayagang sona. Hindi makalapit ang mga mamamayan sa kanilang mga bukirin at...

Si Lorena Barros at ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan

Si Lorena Barros at ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan

Sa pamumuno ni Lorena Barros, inilunsad ng MAKIBAKA ang maraming protesta laban sa kahirapan at para sa demokratisasyon ng lipunan. Tiningnan nilang hindi pa malaya ang sambayanan at dominante pa rin ang mga dayuhan at mayayaman sa lipunan. Higit pa roon, binigyang diin niil na hindi magiging ganap ang kalayaan hangga’t hindi pa napalalaya ang lipunan.

Babae sa babae

Babae sa babae

Malinaw sa ganitong pahayag na kung nanaisin, makikita talaga ng historyador ang mga kababaihan; maisusulat ang kanilang mga pahayag sa sariling pananalitang kanilang ginamit; maipapahayag ang tinig ng pakikisangkot, at malilinaw na hindi tinitingnan ang pagkilos na nakalimita lamang sa mga usaping pribado at pambahay, kundi mga usaping publiko at pambayan.

Pandemic at pamamahala

Pandemic at pamamahala

Nauulit sa mga leksyon ng Influenza Pandemic ng 1918 ang kasalukuyang hamon na kinakaharap ng daigdig ukol sa COVID 19. Tila nagiging hadlang ang di maagap na pagtugon ng pamahalaan sa pagkalat ng sakit. Ang pagtapyas sa badyet sa kalusugan; ang kakulangan ng personnel at pasilidad na haharap sa pagkalat ng sakit; ang turuan at sisihan ng mga pinuno sa kung sino ang dapat na responsable sa pangunguna sa pagsugpo nito; ang racistang pananaw sa pagkakasakit; at ang kakulangan sa pagkilala sa epektibong sistema ng kwarantena ang tila nag uulit sa panganib sa kabuuan ng populasyon sa pagkalat ng sakit.

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Pin It on Pinterest